Mga player ng Letran Knights, may tig-100k bonus kay Manny Pacquiao

May bigtime bonus ang pambansang ninong ng bayan at Peoples Champ Manny Pacquiao sa bata nito sa Letran Knights matapos nilang makuha ang kampyonato sa NCAA ngayong taon.

Isan daang libong piso ang reward ni Pacquiao sa bawat player ng Letran Knights dahil sa pagpupursige na kanilang ipinakita sa kabuuan ng mga laro.

Matatandaan na pumasok sa eksena si Pacquiao bilang team manager ng Letran Knights ilang araw bago magsimula ang NCAA Season.

Hinirang naman na MVP ang 5-5 ft. Guard ng letran na si Mark Cruz na may 14 points six rebounds at 7 assists para maipanalo ang laro laban sa San Beda Red Lions.

Nabatid na sampung taong uhaw sa tagumpay ang Letran ngunit kahapon, nagawang nilang pataubin  ang San Beda Red Lions na limang taon nang matindi ang kapit sa titulo.

Natapos ang laro sa iskor na 85-82 pabor sa Letran.

Speak Your Mind

*