Mga pulitikong bigong makapagsumite ng SOCE sa COMELEC, posibleng matanggal sa pwesto

Posibleng matanggal sa pwesto ang mga opisyal na nabigong makapagsumite ng kanilang Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) sa mga nakalipas na eleksyon.

Ito ang babala ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner Arthur Lim, kasunod na rin ng inilabas nilang listahan ng mga pulitikong di nakapaghain ng kanilang SOCE.

Ani Lim, maliban sa pagkakasibak sa pwesto ay posibleng rin nilang pagmultahin ang mga mapatutunayang lumabag sa panuntunan ng poll body.

Tiniyak din ni Lim na dadaan sa pagdinig ng COMELEC law department ang mga opisyal na kasali sa inilabas nilang listahan.

Speak Your Mind

*