Mga pulitikong nasa ilalim ng UNA sa Nueva Ecija, naunang nag-file ng COC

Naunang mag-file ng Certificate of Candidacy o COC ang mga pulitikong nasa ilalim ng partidong United Nationalist Alliance o UNA sa Provincial Office ng Commission on Elections o Comelec.

Unang dumating si dating 4th district Cogressman Rodolfo Antonino na tatakbo bilang gobernador ng probinsya.

Kasama ni Antonino ang kanyang anak na si 4th district Congresswoman Magnolia Nadres, na tatakbo din bilang re-electionist.

Kasunod ng mag-ama ay ang pagdating naman ni dating first district Congresswoman Josefina Joson na tatakbo sa parehong posisyon.

Ang mag-asawang umali naman ay sabay na dumating sa tanggapan ng Comelec pasado alas diyes ng umaga.

Tatakbo bilang kongresman ng ikatlong distrito ng lalawigan ang gobernador habang ang mababakante naman niyang posisyon ang tatangkaing kunin ng kanyang asawang si 3rd district Rep. Cherry Umali sa ilalim ng partidong Liberal.

Speak Your Mind

*