Mga pupunta ng sementeryo, pinapayuhan ng CDRRMC na mag-ingat sa leptospirosis

Huwag lumusong sa tubig baha kapag walang suot na bota.

Ito ang payo ni Bernard Cabison, ang technical consultant ng Dagupan City Risk Reduction and Management Council (CDRRMC) sa mga nakakaranas pa rin ng pagbaha sa lungsod para makaiwas sa mga sakit tulad ng leptospirosis.

May mga ilan na rin na pumupunta at naglilinis ngayon ng sementeryo dahil sinasamantala ang magandang lagay ng panahon.

Pinapayuhan rin niya ang mga ito na magsuot ng protective gear gaya ng bota dahil sa ilang sementeryo ay matagal ang paghupa ng tubig baha bunsod ng nakaraang bagyong Lando

Speak Your Mind

*