Motorist Assistance Desk, ilalatag ng Dagupan City PNP sa Undas

Pinapaalalahan ng Dagupan City Police ang mamamayan kaugnay sa mga hindi dapat dalhin at gawin sa loob ng sementeryo sa Undas.

Ayon kay Police Supt. Christopher Abrahano, ang hepe ng Dagupan City PNP na bawal ang pagdadala ng deadly weapons gaya ng baril at kutsilyo.

Ipagbabawal rin ang pag-inum ng alak, pagbabaraha at ingay dulot ng speakers sa loob ng sementeryo.

Kasabay nito, tiniyak ni Abrahano na mayroong mga pulis na magbabantay sa loob at labas ng sementeryo para bantayan ang seguridad ng mamamayan.

Maglalagay rin ang Dagupan PNP ng Motorist Assistance Desk sa mga pangunahing  lansangan sa lungsod.

Mayroon ding mga magpapatrolya sa mga barangay para maiwasan ang insidente ng akyat bahay.

Speak Your Mind

*