Naghain ng COC sa pagka-pangulo, umabot na sa tatlumpu’t pito

Muling dinagsa ng mga naghahangad tumakbo sa mataas na posisyon sa bansa ang ikalawang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy ng Commission on Elections (Comelec).

Sa kabuuan ay mayroon nang tatlumpu’t pito kandidato para sa pagka-pangulo habang pito naman sa pagka-bise Presidente.

Dalawampu’t dalawa naman na ang naghain ng COC sa pagka-senador.

Ilan sa mga kilalang personalidad na naghain ng kanilang COC ngayong araw si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para sa pagka-bise Presidente, ACT-CIS Partylist Representative Samuel Pagdilao at Leyte Representative Ferdinand Martin Romualdez sa pagka-senador.

Agaw pansin naman ang naghain ng COC sa Comelec sa pagkapangulo na nagpapakilalang “Archangel Lucifer” na umanoy inutusan siya ng kaniyang master para pamunuan ang Pilipinas.

Speak Your Mind

*