NFA-Eastern Pangasinan, tiniyak na sapat ang suplay ng bigas

Tiniyak ng National Food Authority (NFA) – Eastern Pangasinan na sapat ang suplay ng bigas sa kanilang bodega.

Ayon kay engr. Ramon cuaresma, ang Provincial Manager ng NFA-Eastern Pangasinan, mayroong mahigit  122,000 sako ng NFA rice ang nasa kanilang bodega.

Bukod pa rito ay mayroon namang mahigit 747,000 sako ng commercial rice, habang mahigit 147,000 sako naman ang nasa households.

Sinabi ni Cuaresma na sa ngayon ay pinaghahandaan na rin ng ahensya ang epekto ng el nino phenomenon.

Inaasahan ng NFA-Eastern Pangasinan na mayroong darating na suplay ng bigas mula ibang bansa nitong buwan ng Nobyembre hanggang Disyembre.

Speak Your Mind

*