NGCP, nahihirapan sa pag-sasa-ayos ng linya sa bayan ng Bugallon

Nagsasagawa pa ang National Grid Corportion of the Philippines (NGCP) na line patrol at inspection sa kanilang linya sa mula Labrador hanggang Malasiqui at mula Sual hanggang dasol line segment.

Kinumpirma ni Lilibeth Gaydowen ang Corporate Communications Officer ng NGCP sa sonshine radio na nagkakaroon sila ng problema ngayon sa area mula Labrador hanggang Malasiqui.

Maraming naapektuhang linya ang NGCP sa lugar partikular sa San Carlos City, Malasiqui, Binmaley, Lingayen, Bugallon, Aguilar, Mangatarem, Urbistondo at bahagi ng Basista.

May natanggap na report ang NGCP na hindi makapasok ang kanilang mga tauhan sa isang bahagi ng bayan ng Bugallon dahil baha sa lugar.

Ang nabanggit na lugar ang tinitignang indicator of fault ng NGCP na pinaniniwalaang may mga poste na nagkaroon ng aberya.

Sinabi ni Gaydowen na hinihintay pa ng NGCP na humupa ang tubig baha para mapasok ang lugar.

Dagdag nito na ang pagkakaroon ng tubig baha sa ilang lugar ang siyang nakapagpapabagal sa pagta-trabaho ngayon ng NGCP.

Speak Your Mind

*