OFW na biktima ng Tanim-Bala sa NAIA, isasailalim sa isang Psychological Debriefing

Isasailalim ngayon sa isang Psychological Debriefing ang OFW na si Gloria Ortinez na biktima ng “Tanim-Bala” sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito, ayon kay Atty. Spocky Farona ay dahil sa posibleng trauma na sinapit ng OFW matapos makulong ng 3 araw sa NAIA.

Sinabi ni Farona na may mga kinakausap na silang personalidad para isailalim sa counseling ang biktima.

Samantala, ikinatuwa naman ni Farona ang gagawing imbestigasyon ng senado sa ilang opisyal ng office of transport security sa NAIA.

Ayon kay Farona, nakahanda silang magsalita sa senado kung kakailanganin ang partisipasyon nila sa insidente.

Speak Your Mind

*