Oplan kaluluwa ng MMDA para sa undas 2015, sisimulan na

Sisimulan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang oplan kaluluwa para sa undas 2015 sa Huwebes, Oktubre a-bente nwebe.

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni MMDA General Manager Corazon Jimenez, na nasa dalawampung libong MMDA personnel ang kanilang ide-deploy sa kalsada at sa ilang mga pangunahing sementeryo.

Dagdag pa ni Jimenez, magkakaroon din ng inter-agency meeting ang MMDA at iba pang ahensya ng pamahalaan para masigurong payapa at ligtas ang pagdaraos ng undas ngayong taon.

Inihayag din ni Jimenez ang aniya’y “improvement” dahil sa karamihan ay hindi na sumasabay sa dagsa ng tao para dumalaw sa mga sementeryo.

Speak Your Mind

*