Oplan: Ligtas Biyahe 2015, ikinasa na ng DOTC bilang paggunita sa Undas

Nagsimula na ring dumagsa ang mga pasahero sa mga bus terminal, mga pantalan at paliparan sa Metro Manila upang umuwi sa kani-kanilang lalawigan para gunitain ang Undas.

Ayon kay DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya, ito ang dahilan kaya’t minabuti nilang ilatag ang Oplan: Ligtas Biyahe 2015 na magtatagal hanggang sa lunes, Nobyembre a-dos.

Ang Oplan: Ligtas Biyahe 2015 ay naglalayong pangalagaan ang seguridad ng mga motorista at pasahero, partikular ang mga magsisiuwi sa mga lalawigan para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong undas.

Sinabi pa ni Abaya na tututukan  nito ang lahat ng uri ng transportasyon gaya ng eroplano, barko at mga sasakyang panlupa upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng mga biyahe.

Sinabi pa ng kalihim na inatasan na niya ang lahat ng attached agency ng DOTC na magpatupad at magsagawa ng 24/7 na action center na maaaring lapitan, hingan ng tulong at pag-sumbungan ng mga pasahero kung sakaling mayroon silang reklamo.

Speak Your Mind

*