Oplan Undas sa MIAA handang handa nang ipatupad simula bukas

Handang handa na ang Manila International Airport Authority o MIAA, sa pagdagsa ng mga pasahero  ngayong darating na undas sa paliparan.

Ayon sa MIAA sisimulan na bukas na ipapatupad ang oplan undas sa NAIA terminals kung saan mas paiigtingin pa ang seguridad sa naturang paliparan.

Mahigpit din na ipapatupad ang no leave policy sa mga security personnel na idedeploy sa panahon ng oplan undas sa NAIA.

Gayunpaman tiniyak ng MIAA ang pakikipagtulungan nito sa Aiport Police Department, PNP-Aviation security group,MMDA maging ng Local Government Units sa Paranaque at Pasay City para sa mas ligtas at mapayapang pagbibiyahe ng mga manlalakbay sa paliparan

Speak Your Mind

*