OWWA, pinarangalan ang mga pamilya na napiling Model OFW sa rehiyon uno

Pinarangalan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga napiling model OFW families sa rehiyon uno.

Hinirang si Robert Ranchez at ang kanyang pamilya para sa land-based category, habang si Francisco Flores at ang kanyang pamilya ay sa hanay ng sea-based category.

Sina Ranchez at Flores ay dating mga OFW.

Si Ranchez ay mayroong apat na anak at nagtrabaho sa Saudi Arabia sa loob ng siyam taon. Ngayon ay mayroon na itong sariling negosyo tulad ng bakeshop, water-service station, rent-a-van at iba pa. Aktibo rin siya sa iba’t ibang aktibidad para mapangalagaan ang kalikasan.

Samantalang si Flores ay mayroong apat na anak at nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng 20 taon. Ngayon ay mayroon na siyang dalawang restooran sa Vigan City.

Ang pamilya nina Ranchez at Flores ang magiging kinatawan ng rehiyon uno para sa national model ofw families.

Speak Your Mind

*