P500-M produktong pang agrikultura, nasira ng bagyong lando sa Tarlac

Aabot ng P500 milyon halaga ng mga produktong agrikultura ang nasira ng pagbahang dulot ng bagyong Lando sa probinsya ng Tarlac.

Sinabi ni Tarlac Governor Victor Yap na sa kanila tumungo ang tubig mula sa mga kalapit probinsya.

Malaki ang panghihinayang ni Yap dahil aanihin na sana ang mga tanim na palay na sinira ng pagbaha at malakas na hangin.

Dagdag ng governor na mula nang gawin ang Agno Flood River Control Project ay nagiging bagsakan na ng tubig ang kanilang lalawigan.

Dahil ditto, isinailalim na sa State of Calamity ang buong probinsya ng Tarlac.

Speak Your Mind

*