Pag-apaw ng Agno River, nagresulta ng pagbaha sa ilang barangays sa Bayambang

Ilang barangays sa bayan ng Bayambang, Pangasinan ang lubog pa sa tubig baha dahil sa pag-apaw ng tubig sa Agno River mula pa noong lunes ng umaga.

Ang mga masyadong naapektuhang lugar ng pananalasa ng bagyong Lando ay ang mga barangay Manombong, Pantol at San Gabriel.

Sa ilang lugar ay lubog ang kabahayan sa ga-dibdib na baha.

Ayon kay Police Supt. Gregorio Galsim, ang hepe ng Bayambang, nakapag-bigay na ng relief goods ang lokal na pamahalaan sa pangunguna ng Municipal Social Welfare and Development (MSWD).

Aabot sa 269 pamilya ang apektado ng bagyong lando.

Ang bayan ng Bayambang ay mayaman sa mga sakahan. Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pag-assess sa danyos sa agrikultural.

Speak Your Mind

*