Pagbagsak ng isang helicopter sa Libya, labin dalawa katao ang patay

Aabot sa 12-katao ang nasawi matapos bumagsak ang sinasakyan ng mga itong isang helicopter sa kanlurang bahagi ng Tripoli, Libya.

Ayon sa ulat, kinumpirma ng mga security forces ng Tripoli na walang nakaligtas sa lahat ng sakay ng nasabing helicopter matapos bumagsak ito na hinihinalang pinaputukan ng hindi nakilalang armadong grupo.

Sinasabing posible umanong tinamaan ng bala ang helicopter bago ito bumulusok.

Napag-alamang lulan din ng nasabing helicopter ang hindi pa matukoy na halaga ng pera para sa isang local Bank.

Nabatid na pabalik na sana sa Tripoli ang helicopter nang mangyari ang nasabing trahedya.

Speak Your Mind

*