Pagkapanalo ni Aiko Melendez bilang best actress sa International Film Festival, dapat ipagmalaki

Isang malaking karangalan para sa mga artistang Pilipino ang pagkapanalo ni Aiko Melendez bilang best actress sa kakatapos pa lamang na International Film Festival Manhattan 2015.

Lumutang ang galing ni Aiko sa kaniyang ginampanang papel sa pelikulang “Asintado” na ipinalabas sa 2014 Cinemalaya Film Festival.

Kasama din sa pelikula sina Gabby Eigenmann, Jake Vargas, Miggs Cuaderno, Rochelle Pangilinan at Rita Daniela.

Nasungkit din ni Direk Louie Ignacio ang best director award para sa naturang pelikula.

Sobrang tuwa at galak ang nararamdaman ni Aiko at labis-labis ang kaniyang pasasalamat sa lahat nang mga taong sumuporta sa kaniya sa nasabing pelikula.

Ipinapaabot din ni Aiko ang kaniyang pasasalamat sa lahat nang kaniyang mga fans na patuloy na sumusuporta sa kaniyang career.

Speak Your Mind

*