Pagpapalipad ng saranggola sa sementeryo sa Undas, inaantabayanan na

Isa sa nagiging taunang pangunahing atraksyon sa pampublikong sementeryo sa barangay Libsong sa bayan  ng Lingayen, Pangasinan ang pagpapalipad ng saranggola tuwing Undas.

Ayon kay Julius Mendoza, sa tuwing dadalaw siya sa puntod ng kanyang lola tuwing Nobyembre a-uno ay hindi na rin niya pinapalampas ang pagkakataon na makita ang pagpapalipad ng saranggola sa lugar.

Iba’t ibang kulay, disenyo, klase at laki ng saranggola ang kanyang nasisilayan.

Aniya gusto niya muling makakita ngayong taon ang saranggolang agila, eroplano at bahay.

Speak Your Mind

*