Pagpapataw ng tax sa Uber at ilang transport system, ipapatupad ng BIR

IAARANGKADA na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagpapataw ng income tax sa kumpanyang uber at ilan pang Transport Network Vehicle Service (TNVS)

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Nelson Aspe, sisimulan ito sa pag-iisyu ng physical receipts sa mga pasahero at paggawa ng mga guidelines sa tax responsibilities

Dagdag pa ni Aspe, ipatutupad nila ito, hindi lang sa kumpanyang uber kundi sa lahat ng tnvs gaya ng grab at grab taxi at ihahayag nila kung kelan opisyal nang papatawan ng tax ang mga ito.

Maliban sa pagre­resibo ng mga ito sa kanilang mga customers, kinakailangan na ring mag-submit ng Income Tax Returns (ITR) ang mga may-ari ng saksakyan na involved sa TNVS System

Dapat na rin aniyang bawasan ng tax ang mga driver na empleyado ng nasabing transport system.

Speak Your Mind

*