Pagpapatingkad ng kulay sa P100, isinusulong ng BSP

Ipinanukala ng Banko Sentral ng Pilipinas o BSP ang patingkarin pa ang kulay ng isandaang pisong papel para madaling matukoy ito sa isang libong piso.

Itoy tugon sa apela ng publiko na kung maaari ay ibahin ang features ng isandaang pisong papel na may pagkakhalintulad sa kulay at itsura sa isanlibong piso.

Sinabi ni BSP Executive Director Governor Amando Tetangco Jr, balak ng ahensiya na palitan ng pale purple color ang isandaang pisong papel mula sa kasalukuyang bluish feature nito ngunit mananatili pa rin naman ang design ng naturang pera.

Dagdag ng BSP, simula sa Enero ng susunod na taong 2016 ay makikita na ang bagong imprintang isandaang pisong papel.

Samantala, nilinaw ng BSP na maaari pang magamit ang 100 peso bill hanggang disyembre ng kasalukuyang taon habang bukas naman ang tanggapan ng BSP na palitan ang mga lumang papel ng bago hanggang Dec. 2016 pero tuluyan na itong mawawalan ng monetary value pagsapit ng taong 2017.

Sa ngayon itinigil na ng BSP ang pag imprinta ng 100 pisong perang papel at tiniyak na may sapat pang stock ang mga banko nito para ipaikot ang naturang pera.

Speak Your Mind

*