Pagpapatupad ng gun ban, pinag-aaralan na ng Comelec

Pinag-aaralan na ngayon ng Commission on Elections (Comelec) ang maagang pagpapatupad ng gun ban kahit hindi pa panahon ng eleksyon.

Ayon kay Comelec Spokesperson Director James Jimenez, pag-uusapan ng Comelec en Banc kung posible bang ipatupad ngayon ang gun ban kahit na sa Enero 2016 pa mag-uumpisa ang election period.

Kinontra naman ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) ang pagpapatupad ng gun ban sa eleksyon.

Ayon kay Vacc Founding Chairman Dante Jimenez, manganganib ang buhay ng mga lisensyadong gun owners kung ipapatupad ang Nationwide Gun Ban.

Speak Your Mind

*