Pagsasamahang movie nina Alden at Yaya Dub, tiyak na magiging blockbuster

Malaki ang posibilidad na magiging blockbuster ang “My Bebe Love,” ang comedy movie nina Ai-Ai delas Alas at Vic Sotto na kanilang official entry sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF).

Ito’y dahil na rin sa mainit ang pagtanggap ng mga tao nang ipakita sa Philippine Arena ang teaser ng pelikula na tinatampukan din ng loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Dumagundong ang malakas na hiyawan at palakpakan ng mga fan nang makita sa wide screen ang teaser ng “My Bebe Love”.

Base sa reaksyon ng mga tao sa Philippine Arena at ng mga fan ng eat Bulaga kung kayat’ malaki ang tsansa na maging number one sa box-office race ang “My Bebe Love”.

Speak Your Mind

*