Pagtaas ng bilang ng mga asylum, inaasahan na sa Sweden

Inaasahan ng Sweden Government ang may 190,000 Asylum Application ngayong taon, kahit wala nang pabahay para sa may apatnapu’t limang libo na bagong dating.

Ito ang ipinahayag nang ilang opisyal ng Migration Office sa Sweden.

Ang Sweden na isang bansang may halos sampung milyon, ay kilala sa pagiging maluwag sa polisiya ng mga asylum, kung kaya’t ito ang madalas puntahan nang mga refugees.

Ang Sweden ang may pinakamataas na bilang nang refugees per capita sa buong E-U States.

Sa susunod na taon, umaasa rin ang bansang Sweden na makakatanggap sila ng mga asylum seekers mula ng sa 1000,000 patungong 170,000 kabilang ang 16,000 hanggang 33,000 na mga unaccompanued minors.

Pinayagan na rin nang gobiyerno ang Authorized Migration Agency na magtayo nang heated tents kung wala nang pabahay para sa mga refugees.

Speak Your Mind

*