Pagtatayo ng Phil. Merchant Maritime Academy, inihihirit ng isang mambabatas

Hinikayat ni Angkla Partylist Rep. Jesulito Manalo ang pagtatayo ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA) sa Mindanao matapos na kumbinsihin ang senado na ipasa na rin ang HB 5711.

Ito ay para sa development na rin ng Mindanao para palakasin ang pagiging Maritime Hub nito sa pamamagitan ng pagtatayo ng PMMA.

Iginiit ni Manalo ang pangangailangan na mabigyan ang mga kabataan sa nasabing rehiyon ng Maritime Education at Training na tumutugma sa International demands at standards para sa mga Filipino seafarers.

Malaking bagay aniya ito sa mga kabataan sa Mindanao na hindi kayang makapag-aral sa mga pribadong maritime schools.

Dagdag pa ng kongresista, ang panukala ay sumusuporta din sa pagpapalakas ng maritime industry sa bansa at pinananatili nito na isang premier provider ng mga de kalidad at certified seafarers ang Pilipinas.

Speak Your Mind

*