Pamahalaan, hinikayat na isulong ang mga programa para sa kababaihan

Marapat na puspusang isulong ng pamahalaan at maging ng pribadong sektor ang mga programang pangkababaihan na mag-aangat sa kanilang kabuhayan, upang maiwasan din ang krisis sa malnutrisyon sa bansa.

Ito ang mahigpit na panawagan ni Sen. Grace Poe, kasabay ng paglalabas ng Food and Agriculture Organization (FAO) ng ulat na malaki ang tulong ng “Gender Sensitive Programs,” partikular sa sektor ng agrikultura para maibsan, ang kahirapan.

Dapat din anya na pagbutihin pa ang mga programang naglalayong protektahan ang karapatan ng maliliit na mamamayan.

Bukod pa rito, ayon kay Poe, dapat ding lumikha ang gobyerno ng mas malalakas na programa para sa kalamidad upang matiyak na madaling makaaahon ang mga komunidad na maaapektuhan ng mga sakuna.

Speak Your Mind

*