Pambansang pulisya, handa na sa pagbibigay seguridad sa pag-gunita ng Undas ngayong taon

Kasado na ang ipatutupad na seguridad ng pambansang pulisya para sa pagunita ng Undas ngayong taon.

Ayon kay Pnp Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez, paiigtingin pa nila ang police visibility sa mga lugar na dadagsain ng mga tao sa undas tulad ng mga sementeryo, simbahan, pantalan, paliparan, bus terminals at iba pa.

Maliban sa seguridad bahagi na rin ani Marquez, sa kanilang trabaho ang traffic management.

Maglalagay rin anya ang PNP ng mga police assistance desk sa mga lugar kung saan dagsa ang mga tao.

Nagpaalala rin si Marquez sa publiko, na maging alerto palagi para hindi mabiktima ng mga mapagsamantala sa darating na undas.

Speak Your Mind

*