Pampanga PDRRMC, inaprubahan ang reprogramming ng 3.5 milyong pisong calamity fund

Inaprubahan ng Pampanga Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC ang isang resolusyon hinggil sa reprogramming ng 3.5 milyong piso ng 2015 calamity fund para sa disaster preparedness and response.

Paliwanag ni PDRRMO Head Angelina Blanco, layunin ng alokasyon na palakasin ang mga kasalukuyang programa at serbisyo ng pamahalaang panlalawigan sa pabahay, cash at food for work at iba pa na makatutulong maibsan ang epekto ng kahit anong sakuna, lalo na sa mga naapektuhan ng bagyong “lando”.

Aniya, hiniling ng Provincial Social Welfare and Development Office o PSWDO ang karagdagang pondo dahil malaking bahagi na ng kanilang pondo ang nagamit sa pamimigay ng iba’t ibang ayuda bunga ng pagharap ng lalawigan sa iba’t ibang anyo ng hindi inaasahang sakuna tulad ng sunog, ipo-ipo, at paglaganap ng dengue bilang resulta ng climate change.

Sa ilalim ng nasabing resolusyon, isang milyong piso mula sa pondo para sa pagpapagawa ng mga dike at 1.5 milyong piso mula sa pondong nakalaan sa auxiliary services ay gagamitin para sa pagkakaloob ng emergency shelter assistance, financial assistance, food at cash for work para sa mga “lando” survivors.

Speak Your Mind

*