Pampanga Provincial Government, nagbigay ng food package sa mga TB patients

Binigyang ng tulong ng Pampanga Provincial Government ng tulong ang aabot sa 1,800 Tuberculosis (TB) patients sa lalawigan.

Personal na ipinasakamay ni Gov. Lilia Pineda sa mga benepisaryo ng food package na may lamang bigas, noodles, de lata at iba pa na nagkakahalaga ng 1,200 pesos bawat isa.

Ayon kay Provincial Social Welfare and Development Officer Elizabeth Baybayan ang mga benepisaryo ay muoa sa first, third at fourth district.

Nauna rito ay nakatanggap na rin ng parehong food package ang mga taga-segundo distrito.

Susunod naman na makakatanggap ng food package ang mga tb patients na residente ng fifth at sixth districts.

Ngayong araw naman ay nabatid na magbibigay ng financial assistance at pagkain ang gobernadora sa mga dialysis patients.

Speak Your Mind

*