Pampanga Rep Gloria Macapagal Arroyo, mahihirapan sakaling i-house arrest

Inamin ng Philippine National Police na mahihirapan ang dating pangulo at kasalukuyang Pampanga Representative Gloria Macapagal Arroyo kung isasailalim ito sa house arrest.

Ayon sa PNP hindi lamang ang dating pangulo ang mahihirapan kundi maging ang mga nakatira malapit sa bahay ni Arroyo.

Sinabi ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez na kung papayagan ng Sandiganbayan ang hiling ni Arroyo na house arrest ay kinakailangan ng PNP ng karagdagang bilang ng pulis para magbantay sa seguridad  ng dating pangulo.

Si Arroyo ay kasalukuyang naka-hospital arrest sa veterans memorial medical center (VMMC) sa lungsod ng Quezon simula pa noong 2012 matapos maoperahan sa kaniyang spine.

Ang dating pangulo ay nahaharap sa kasong plunder dahil sa umanoy maling paggamit ng may 366 milyong pisong halaga ng intelligence fund ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nang kaniyang Administrasyon.

Una nang sinabi ng United Nations (UN) working groups na iligal ang ang pagkakakulong kay Arroyo.

Dahil dito, hiniling ng five-man un working group sa pamahalaan na bigyan ng konsiderasyon ang kahilingan ng dating Pangulong Arroyo para sa house arrest.

Speak Your Mind

*