Pangasinan, lubhang naapektuhan ng bagyong Lando

Kinumpirma ng Philippine Information Agency (PIA) Region 1 na grabeng naapektuhan ang lalawigan ng Pangasinan sa pananalasa ng bagyong lando.

Ayon kay Merriam Aquino, ang Information Officer ng PIA-Regional Office 1 ang kanilang report ay base naman sa mga nakakalap ng Office of the Civil Defense (OCD) Region 1

Masyadong naapektuhan ang Pangasinan dahil may mga reports ng insidente ng flashfloods.

Sinabi ni Aquino na kumpara sa ibang probinsya sa rehiyon uno ay walang narereport na grabeng epekto ng bagyo.

Tinututukan ng OCD ang Pangasinan dahil may mga lugar na apektado ng masyadong pagbaha.

Nagtulong-tulong ang Philippine Navy, Philippine Airforce, Philippine Army at ang bumubuo ng Regional Disaster Response Task Unit  na pumunta ng bayan ng Mabini kahapon para sa water search and rescue operation.

Speak Your Mind

*