Pangasinan PNP, naka-full alert status na ngayong Undas

Umpisa ngayon araw hanggang Nobyembre a-dos ay naka-full alert na ang Pangasinan police Provincial Office o PPO sa Undas.

Ito ang kinumpirma ni Police Inspector Jairilyn Camaguian ng Pangasinan police at dagdag nito na bente kuwatro oras na ang pag-du-duty ng mga police sa sementeryo.

Mayroon na rin naitatag na mga Police Assistance Centers at Public Assistance Hub sa sementeryo at iba pang lugar na pinapasyalan ng maraming tao gaya ng seaport, airport at bus terminals para magbigay tulong sa mamamayan.

Sinabi ni Camaguian sa Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP) Forum na pinaigting rin ng Pangasinan Police ang kanilang monitoring operations dahil ang undas ay panahon rin ng pag-uwi ng mga taong subjects ng search warrant.

—-

Pangasinan Police, pinayuhan ang mamamayan sa dapat gawin bago umalis ng bahay

Pinapayuhan ng Pangasinan Police ang mga mamamayan na dadalaw sa sementeryo sa November 1 at 2 kaugnay ng mga dapat gawin bago umalis ng bahay.

Sinabi ni Police Inspector Jairilyn Camaguian ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) na dapat tiyaking sarado ang lahat ng bintana at pintuhan ng bahay, pati na rin main gate.

Dapat na ibilin sa mga mapagkakatiwalaang tao ang iiwanang bahay.

Dagdag ni Camaguian na siguraduhin ding walang nakasaksak na appliances at iba pa na maaaring sanhi ng sunog.

Tiniyak ng opisyal ng pulisya na magpapatrolya rin ang kapulisan sa mga barangay para masawata ang posibleng pagsalakay ng mga magnanakaw.

Speak Your Mind

*