Pangasinan PNP, nasa ilalim na ng hightened alert kaugnay sa filing ng COC

Naka-hightened alert ang Pangasinan PNP mula kahapon sa pag-uumpisa ng pag-file ng Certificates of Candidacy (Coc).

Ayon kay Police Supt. Ferdinand “Bingo” de Asis, ang Public Information Officer ng Police Provincial Office (PPO) partikular sa tinututukan ng kapulisan ay ang mga Comelec areas kung saan mayroong mag-pa-file ng COC.

Limang araw na may nakatalagang police sa mga opisina ng Comelec.

Siniguro ni de Asis na gagawin ng kapulisan ang lahat ng paraan para mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa petsa ng filing of COC mula kahapon, October 12 hanggang 16.

Nilinaw naman nito na hindi otorisado ang kapulisan na magbigay ng assistance sa pulitiko sa nabanggit na petsa.

Habang nakatutok naman sa Comelec Offices ang ibang mga pulis ay patuloy naman ang pagsasagawa ng checkpoint at pag-papatrolya ng iba pang kasapi ng Pangasinan PNP.

Speak Your Mind

*