Pangasinenses, binalaan na mag-ingat sa pag-inum ng tubig

Nagbabala ngayon ang Provincial Health Office (PHO) sa mga Pangasinense na mag-ingat sa pag-inum ng tubig dahil maraming lugar ang lubog pa sa tubig baha.

Ayon kay Provincial Health Officer Anna De Guzman kapag naka-inom ng tubig na kontaminado ng bakterya ay makapagdudulot ito ng sakit tulad ng typhoid fever at diarrhea.

Binigyang diin nito na sa ngayon ay hindi ipinapayong bumili sa refilling stations dahil walang suplay ng elektrisidad at maaaring nakulangan ang pagsala sa tubig.

Payo naman ng Rural Health Units na mas mabuting ihalo ang hyposol  sa tubig para masigurong ligtas ang inumin.

Maaari rin naman aniyang magpakulo ng tubig ng tatlo hanggang limang minuto bago inumin para matiyak na  wastong kalusugan.

Speak Your Mind

*