PNoy, kabilang sa listahan ng most followed world leaders sa facebook

Kabilang si Pangulong Benigno Aquino III sa listahan nang mga “most followed world leaders on facebook”, ayon sa social analytics company na Crowdtangle.

Nakuha ni Pangulong Aquino ang ika-sampung puwesto dahil sa kaniyang Pnoy’s Official facebook na umani nang mahigit sa 4.2 milyong followers.

Naungusan ni Aquino sa popular world leaders ang “The British Monarchy” na nasa ika-labing anim na pwesto at si German Chancellor Angela Merkel na nasa ika-dalawampu’t apat na pwesto.

Nagmarka ng mataas na rekord ang post ni Aquino noong January sa litrato habang inihahatid nito ang pag-alis sa bansa ni Pope Francis.

Si U-S President Barack Obama ang nasa top spot ng listahan na mayroong 45 milyon na mga followers, habang ang white house ay nasa ikapitong pwesto.

Second placer si Indian Prime Minister Narenda Modi na humakot ng tatlumpung milyong followers, samantalang nasa ika-tatlong pwesto naman ang kaniyang tanggapan.

Ika-apat na pwesto si Turkish President Recep Tayyip Erdo, sinundan sa top five ni Indonesian President Joko Widoo.

Kasama rin ang mga lider ng Egypt, Mexico at Jordan na nasa ika anim, walo at siyam na pwesto, ayon sa kanilang pagkaka-sunod-sunod.

Speak Your Mind

*