PNoy, kinukumbinsi parin na basbasan ang pagtapyas sa income tax

Pumasok na sa eksena ang mga lider ng dalawang kapulungan ng kongreso para kumbinsihin si Pangulong Benigno Aquino III na basbasan na ang panukalang batas na magbabawas sa income tax ng mga empleyado.

Ito ang inihayag ni House Committee on Ways and Means Chairman Miro Quimbo na naniniwalang nagkakaroon na ng mala­king pag-asa ang nasabing panukalang batas hindi lamang sa pribadong sektor kundi pati government workers.

Ayon pa kay Quimbo, kaya posibleng isama na ang panukalang ito sa prio­rity bill ng kongreso pagbalik ng mga ito sa trabaho sa Nobyembre.

Sa ngayon ay 32 porsiyento ang kinakaltas na income tax sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno at pribadong sektor subalit sa ilalim ng nasabing panukala, 25 percent ang pinakamataas na sisingiling buwis.

Una nang iprinisinta ni Quimbo kay Aquino ang nasabing panukalang batas at ayon sa kanya ay hindi sarado ang pangulo sa panukala kaya hindi pa maaaring ilibing ang bawas income tax bill.

Speak Your Mind

*