Pasok sa mga Korte sa buong bansa, half day bukas dahil sa Undas

Kalahating araw o half day lang ang pasok sa lahat ng mga korte o hukuman sa buong bansa, bukas bilang bahagi pa rin ng paggunita sa Undas.

Base aniya sa inilabas na advisory ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno, layunin ng nasabing kautusan na mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado ng hudikatura na mapahaba ang bakasyon para makadalaw sa puntod ng mga yumaong kaanak.

Nakasaad din sa kautusan na muling magbabalik sa regular ang pasok sa mga hukuman sa November 2, araw ng Lunes.

Saklaw ng nasabing kautusan maging ang Korte Suprema, Court of Appeals, Sandiganbayan at lahat ng mga Trial Court.

Speak Your Mind

*