Pauleen Luna, nilinaw na wala silang prenuptial agreement ni Vic Sotto

Nilinaw ng aktres na si Pauleen Luna na wala silang prenuptial agreement o yaong paghiwalayin ang kanilang mga kayamanan ng mapapangasawang si Vic Sotto.

Para sa wife-to-be ng 61-year-old comedian, nakakawalang respeto sa babae kung magkakaroon pa ng prenup agreement.

Ayon pa sa 26-year-old na actress, na dapat kasama sa pag-aasawa ang tiwala sa taong iyong pakakasalan.

Una rito, inanunsyo nina Pauleen at Bossing Vic na sa Enero gaganapin ang kanilang kasal taliwas sa mga unang impormasyon na kasabay ng Pasko ngayong taon sila ikakasal.

Samantala, Ngayong buwan ng Oktubre ay ilalabas na ng future husband and wife ang “save the date” cards sa mga imbitadong guests sa kanilang kasal.

Speak Your Mind

*