PDRRMO, nakapagtala na ng 12 katao na nasawi at anim na sugatan

Labing-dalawa katao ang naitalang nasawi habang anim naman ang nasugatan sa lalawigan ng Pangasinan sa pananalasa ng bagyong Lando.

Ayon kay Avenix Arenas, ang spokesperson ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na ang ilan sa mga nasawi ay residente ng bayan ng Pozorrubio, Mangatarem, bayambang, Bolinao at Bani.

Kabilang na rin sa mga nasawi ang dalawang katao na apektado ng mudslide sa Benguet na nadiskober naman sa bayan ng Sison.

Magbibigay ng pinansyal na suporta ang Provincial Government sa mga namatayan na pamilya at nasugatan, at may counterpart rin ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDMMC).

Speak Your Mind

*