PDRRMO-Pangasinan, 11 katao na ang naitalang nasawi sa pananalasa ni Lando

Labing-isa katao na ang naitalang nasawi habang labing-isa katao rin ang nasugatan sa lalawigan ng pangasinan sa pananalasa ng bagyong lando.

Ito ay batay sa ulat ni Ret. Col. Rhodyn Luchinvar Oro ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa  Office of Civil Defense o OCD Region 1.

Ayon kay Oro, dalawa ang bilang ng nasawi sa bayan ng Mangatarem, apat sa Bani, dalawa sa Mabini, dalawa sa Bolinao at isa sa bayan ng Agno.

Habang ang mga nasugatan ay mula sa mga bayan ng Bayambang, Bolinao, Manaoag, Tayug, Anda, at San Nicolas

Sinabi naman ni Avinex Arenas ang taga-pagsalita ng PDRRMO na magbibigay ng pinansyal na suporta ang provincial government sa mga namatayan na pamilya at nasugatan, at may counterpart rin ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDMMC).

Speak Your Mind

*