PENRO, papalitan at ire-rehabilitate ang mga nabuwal na puno ni bagyong Lando

Nakapag-submite na ang Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO)-Pangasinan sa DENR Regional Office 1 ng inisyal na report bunsod ng bagyong Lando.

Ayon kay Melchor Gonzales, ang Forester ng PENRO na kasama sa report ang danyos sa mga gusali ng ahensya, pati na rin sa kanilang plantasyon.

Kinumpirma ni Gonzales sa sonshine radio na maraming nasirang nurseries, look-out towers, pati na rin gusali ng DENR sa Manleluag Protective Landscape.

Inaasahan naman ngayong araw ay magkakaroon na rin ng insiyal na report ang PENRO kaugnay ng bilang ng natumbang puno sa national road, provincial, municipal hanggang sa barangay roads.

Samantalang, naghahanda na rin ang PENRO na magsagawa ng pagtatanim lalo na sa mga kabundukan dahil maraming malalaking puno ang nabuwal sa lakas ng hangin sa pananalasa ng bagyong Lando.

Speak Your Mind

*