Petron, magtatapyas sa presyo ng produktong petrolyo simula mamayang hating-gabi

Nag-anunsyo ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang kumpanyang Petron.

Epektibo alas-dose uno ng madaling araw ay piso ang ibababa sa kada litro ng kanilang gas at kwarenta sentimo sa kada litro na kerosene.

Habang trenta’y singko sentimo ang itatapyas ng Petron sa kanilang diesel.

Una nang inihayag ng mga eksperto na ang pagbaba ng presyo ng petrolyo ay bunsod ng pagpasok ng Iranian crude sa World market.

Speak Your Mind

*