Pilipinas haze-free na ayon sa Pag-asa DOST

Haze-free na ang Pilipinas.

Ito ang inanunsyo ng DOST-Pagasa ngayong hapon base na rin sa kanilang pinaka-huling satellite wind tracking system at visibility observations.

Sa panayam ng sonshine radio kay DOST Assistant Secretary Raymund Liboro, sinabi nitong hindi na inaasahang manunumbalik ang nasabing haze mula Indonesia dahil wala pang namamataang malakas na bagyo na pwedeng makapagpabago ng direksyon ng hangin.

Paliwanag ni Liboro, ang haze na dulot ng malawakang forest fire sa Indonesia ay resulta ng pagpasok ng bagyong Lando noong Oktubre katorse hanggang a-bente kwatro.

Tiniyak naman ng opisyal na patuloy nilang imo-monitor ang naturang haze.

Speak Your Mind

*