Pilipinas, nakiisa sa paggunita ng International Lead Poisoning Prevention Week

Bilang pakikiisa ng Pilipinas sa paggunita ng International Lead Poisoning Prevention Week of Action, isang Interactive Awareness Raising Program na inorganisa ng pinagsanib na pwersa ng Ecowaste Coalition, public and Private sectors na ginanap sa Masambong Elementary Schools.

Layon nitong ipalaganap ang delikadong hatid sa kalusugan ng kemikal na lead.

Sinabi ni Thony Dizon ng grupong Ecowaste na napili nila ang mga bata bilang bida sa kanilang programa dahil sila ang apektado ng nakamamatay na kemikal na lead.

Ipinagpasalamat naman ng grupo ang pagpapalabas ng chemical control order for lead and lead compounds ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.

Ayon naman kay Dr. Anabbelle Sinlao mula sa grupong Health Care Without Harm na mahalagang malaman ng mga magulang kung saan maaring makuha ang lead dahil bukod sa laruan o gamit sa eswkela, ang lead ay maari ring makuha sa pintura na ginagamit sa bahay at sa mga alikabok.

Speak Your Mind

*