Pinay group ‘4th Power’, pasok sa final 12 ng X Factor UK

Pasok ang all-filipina girl group 4th Power sa final 12 ng the X Factor UK.

Ito ay matapos na pinili sila ng kanilang mentor na si Cheryl Fernandez-Versini para umabanse sa live shows.

Nakapasok ang pinay group sa next round ng competition matapos kantahin ang kanilang version ng “Love the Way You Lie” ni Rihanna.

Sila ang unang contestant sa groups category na nakapasok sa final 12.

Ang grupong ‘4th Power’ ay binubuo ng apat na babaeng magkapatid na sina Mylene, Celina, Irene at Almira Cercado.

Speak Your Mind

*