Pinsala ng bagyong Lando sa bayan ng Bongabon, umabot na sa milyong piso

Milyun-milyon na ang inabot na pinsala ng bagyong Lando sa bayan ng Bongabon, Nueva Ecija.

Ito ang ipinahayag ni Bongabon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Head, John Ryan Ong.

Sa pinakahuling datos ng kanilang tanggapan, umabot na sa P98 milyon ang pinsala ng bagyong Lando sa agrikultura, P50 milyon naman mula sa imprasraktura at tinatayang aabot pa sa isang milyong piso ang pinsala sa mga hayupan.

Dagdag pa ni Ong na kasalukuyang suliranin ngayon ng lokal na pamahalaan ay ang pagkawala ng kabuhayan ng kanilang mga nasasakupan lalo na yaong mga maliliit na magsasaka.

Bagaman lubos na napinsala ang kanilang bayan, nagpapasalamat naman si Ong dahil sa zero—casualty na natamo ng bayan ng Bongabon.

Samantala, malaki din ang pasasalamat ni Ong sa tulong na natanggap ng kanilang bayan partikular na sa Brgy. Labi kay pastor apollo c. Quiboloy na siyang presidente at CEO ng Sonshien Media Network International, sa Sonshine Philipppines Movement at sa Children’s Joy Foundation dahil sa tulong na knilang natanggap noong araw ng sabado, Oktubre 24 sa ginanap na gift-giving at feeding program para sa mga biktima ng bagyong lando.

Speak Your Mind

*