Pinsala ni ‘Lando’ sa agrikultura ng Nueva Ecija, umabot na ng 3.3 bilyong piso

Umabot na sa 3.3 bilyong piso ang tinatayang halaga ng pinsala sa agrikultura ng bagyong Lando sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ito ang ipinahayag ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Spokesperson at dating Department of Interior and Local Government Provincial Director Abraham Pascua, base sa inisyal na tala ng Office of the Provincial Agriculturist.

Aniya, may tig-134,000 ektaryang palayan ang totally at partially damaged sa buong lalawigan.

Maliban sa mga palayan, tinatayang may 66 milyong pisong halaga ng gulay at prutas ang nasira sa mahigit 438 ektaryang taniman.

Dagdag pa ni Pascua, hanggang sa kasalukuyan ay mayroon pa ring mga tanimang lubog sa tubig, partikular na sa mga bayan ng San Antonio, Jaen at Gabaldon.

Kaugnay nito ay isinailalim na ang buong lalawigan sa State of Calamity dahil sa malaking pinsalang dulot ng bagyong Lando sa kabuhayan ng mga Novo Ecijano.

Speak Your Mind

*