Pinsala ni Lando sa Pangasinan, umabot na sa mahigit 1.3 bilyong piso

Umaabot na sa mahigit 1.3 bilyong piso ang inisyal na naitatalang pinsala sa imprastraktura, agrikultura at mga kabahayan sa lalawigan ng Pangasinan ng pananalasa ng bagyong Lando.

Sa pinaka-huling ulat ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Officer Ret. Col. Rhodyn Luchinvar Oro kay Office of Civil Defense OCD Regional Director Melchito Castro, sa imprastraktura pa lamang ay umaabot na sa mahigit 353 million pesos.

Sa agrikultura naman ay 821 million pesos ang nasalanta kabilang na ang produkto mula sa fisheries, palay at high-value commercial crops.

Aabot naman sa 166 million pesos ang danyos sa mga nawasak at bahagyang nasira na mga kabahayan.

Samantala, labing tatlong bayan at dalawang lungsod sa Pangasinan  ang nakakaranas parin ng bahagyang pagbaha kabilang na ang bayan ng Agno, Bani, Bolinao, Burgos, Aguilar, Basista, Bugallon, Urbiztondo, Bayambang, Calasiao, Sta. Barbara, San Nicolas at lungsod ng San Carlos at Dagupan.

Speak Your Mind

*