Pinsala sa agrikulutura ni ‘lando’ sa Bulacan, nasa 968.8 milyong piso na

Umabot na sa 968.8 milyong piso na ang tinatayang halaga ng pinsala sa agrikultura ng bagyong lando sa Bulacan.

Sinabi ni Provincial Agriculturist Gloria Carillo, na may 851.3 milyong pisong halaga ng palay ang nasira kung saan 4,596 magsasaka at may 23,000 ektaryahang sakahan ang naapektuhan.

Ito ay mahigit sa kalahati ng kabuuang sukat na lupang sakahan ng palay sa buong lalawigan.

Aabot naman sa 76 milyong piso ng high value commercial crops ang nasira kung saan 424 ektaryang taniman ang naapektuhan.

At panghuli, 41 milyong pisong halaga ng pagkasira sa larangan ng pangingisda kung saan 700 mangingisda at mahigit isang libong ektaryang palaisdaan ang nakadama ng bagsik ng bagyo.

Napinsala nang husto ang agrikultura dahil umabot hanggang apat na talampakan ang taas ng tubig baha sa San Miguel na may pinakamalaking sakahan ng palay sa lalawigan.

Speak Your Mind

*