Pinsala sa Pangasinan ng pananalasa ng bagyong Lando, umabot na sa P2.9 bilyon

Aabot na sa halagang 2.9 bilyong piso ang danyos sa Pangasinan sa pananalasa ng bagyong lando.

Base sa tala, kinabibilangan ito ng pinsala sa agrikultural, imprastraktura at mga kabahayan.

Ang ilang lugar sa Pangasinan ay nakakaranas pa rin ng pagbaha bunsod ng bagyo.

Patuloy naman ang isinasagawang relief operations ng lokal na pamahalaan sa lalawigan at ilang mga grupo.

Speak Your Mind

*