PNP, BFP at BJMP members, hindi sakop ng pagtaas ng 10,000 pesos GSIS funeral benefit

Nilinaw ng Government Service Insurance System (GSIS)-Dagupan Branch na ang sakop ng pagtaas ng funeral benefit ay ang mga myembro at pensioner na pumanaw noong September 1, 2015.

Ayon kay Mylene Caronongan, ang Specialist Officer 3 ng GSIS-Dagupan, tumaas ng ten thousand pesos ang funeral benefit ng GSIS, na mula sa 20 thousand pesos ngayon ay 30 thousand pesos na.

Hindi naman saklaw ng benepisyo ang mga myembro ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Fire Protection (BFP).

Paliwanag ni Caronongan na ang PNP, BJMP at BFP ay hindi na sakop ng GSIS mula pa noong February 1, 1996.

Sa nabanggit na petsa ay ten thousand pesos ang funeral benefit, nananatili pa rin ang nasabing halaga na matatanggap ng mga kapamilya ng nabanggit na nagtatrabaho sa ahensya ng gobyerno.

Speak Your Mind

*